Tuesday, July 17, 2007

Luna

Pinatay ko si Luna. Hindi ako makapaniwala habang patuloy na naglalandas sa aking mga kamay ang dugong nanggaling sa patalim na ginamit ko sa kanya. Matagal kong kinimkim ang sama ng loob sa aking damdamin.

Hindi ako tanga, kako sa mundo. Hindi ako bobo, kako sa aking mga guro. Hindi ako tarantado, kako sa aking magulang. Tao ako, kako sa Diyos. Ngunit hindi ko matanggap ang iginuhit sa aking kapalaran ng mga diwata. Sa kapapaniwala ko sa kasabihan, inuna ko pang sambahin ang mga bato sa Cogeo.

Patay na si Luna. Kaninang umaga, masaya pa kaming nag-uusap. Maraming bagay ang dumaan sa apat na oras na kwentuhan. Inilibre pa niya ako ng sopdrinks sa kanto. Tapos na ang trabaho namin sa call center kaya nagyosi muna kami saglit. Ngunit iba ata ang ihip ng hangin noon, napag-usapan namin kung papaano ang buhay noong kolehiyo. Bukod sa lagiang pagtatalakay namin sa mga bagay ukol sa sex, politika, drama at teleserye ng buhay, bigla na lamang naisiksik nang walang pasintabi ang kolehiyo.

Nak ng puta! Baka maiyak ako. Hindi maganda ang buhay ko no'n. Saksakan ng lungkot. Walang kaibigan. Kalaban mo ang mga dalubguro. Pinupuna ka ng lahat ng tao. Walang bilib sayo. Laging si Layla, Maria, Lucia o kaya si Celeste ang binabanggit ng mga propesor. Aba puta. Mahusay naman ako noon, kako kay Luna. Pansin mo naman yon diba? Diba?

Ngumiti si Luna. Masyado daw mainit ang dugo ko sa mga tao. Tinamaan ng Lintik! Si Luna nga na kaibigan ko, ni hindi ko maituring na kaibigan. Leche. Sinasamahan lang ako kase naaawa sa akin. Walang ibang mapagpiliang kasama ngayon kase wala naman girlpren niya, nasa ibang bansa. Ginagawa akong punching bag ng gago. Pero ayos lang.

Nagsisimula pa lang ang laban ng mga Iskolar ng Bayan! Tingnan ang matatag at mahusay na pamumuno ng Kabataan Angat Party! Huwag pabubulag sa mga bagong binhing walang lalim! Iboto sa Eleksyon! Nagpapanting ang tenga ko. Naaalala ko kung papaano ako noon. Nanalo akong Representative ng Kolehiyo. Feeling sikat ako. Kinuha ko pang campaign manager si Luna non. Ang sarap. Laging nakasunod sa akin si Luna. Lahat ng ginagawa ko, sinasabi ko sa kanya. Lahat ng sinusulat ko, binabasa niya. Mahusay na aso si Luna, este, kaibigan pala.

Pero isang araw, pinansin siya ng paborito kong guro. Araw-araw siya ang tinatawag, kinakausap, mas inaasahan. Nasaktan ako. Hindi ata laging sumisikat ang araw sa dako ko. Naghintay ako. Isa, dalawa, tatlong araw, isa, dalawa, tatlong linggo. Puta. Wala. Hindi na ko pinansin ng gagong prop. Nagalit ako kay Luna.

Naiinggit ako sa kanya. Hanggang ngayon, hinila lang niya ko sa trabaho. Awa lang talaga sa akin ang gago. Pero alam ko, mas magaling ako sa kanya. Sa kumpanya, alam ko mas mahusay ako. Noong kolehiyo, ako ang nanalo, at hindi siya. Pero mas madalas na nasasaktan ako kaysa sa kanya. At makirot ang bawat sugat kumpara sa nararamdaman niya noon.

Oras na. Gaganti ako, yun ang sabi ko noon. Gaganti ako sa mundo. Gaganti ako sa mga taong nakasakit sa akin, sa mga taong nagpaasa at nagpakasasa sa akin. Gaganti ako-- kay Luna na ugat ng kompetisyon ko sa mundo. Sa kanya na hindi ko matakasan hanggang ngayon. Hindi ko kailangan ng awa. Nasasaktan ako bawat araw ng aming pagkakaibigan. Hindi siya ang kaibigan ko. Sarili ko ang pinanghahawakan ko sa lahat ng panahon. Sarili ko ang kasama ko ngayon. Magkasama kaming maghihiganti kay Luna. Putangina mo Luna.

Inundayan ko ng saksak sa tagiliran niya. Umagos ang dugo. Naghuhumiyaw siya. Lumuluha ako. Hindi pa tapos, kako. Tao lang ako. Hindi ko mahawakan ang mundo. Sinaksak ko siya ng paulit-ulit. Gumaganti na ko sa mga sakit ng kahapon. Kawawa ka naman, Luna.
Patawad.


Friday, July 13, 2007

Pekonomista



Umikot ako sa tanyag na UP Diliman
Ginalugad ang bawat sulok, inikot
ang distrito ng sinasabi nilang bago.
Nang mapadaan sa tapat ng UPSE,
Yung School of Economics daw, napahinto ako
Nagpapalaki daw sila ng mga ekonomista
Iniligid ko ang aking mata, baka andun si De Dios kako,
gusto ko ng autograph!

Son-op-a-bits, sya pala may-akda ng TOFI ano?
Gusto ko siyang abangan sa kanto,
At tatanungin ko, "Anong ginawa sayo ni Gloria?"
Ginayuma ka ng nuno, ikaw naman, nagpauto.
Aanhin ng bansa ang Ph.D, ang MA ng mga ekonomistang
sumususo lamang sa kapangyarihan,
ginagatasan kayo ng walang pakundangan,
Paano na ang sambayanan!
Paano naman ang Iskolar ng Bayan!

Aba teka, si Gloria pala galing ng UPSE, nag-Georgetown
pa nga, naging Senior Lecturer din, pero bakit gan-on?
Nagtatago lagi sa likod ng bala ng AFP!
Agit na ang mga NatDem, hindi ata siya nag-iisip,
sabog ang matematika niya sa ekonomiya at politika,
ginagawa na tayong tuta, utang-utang ng ina na lang!

Hindi ko alam kung ano ang umiikot sa mga utak
ng mga pekenomista. Hindi naman lahat sablay.
Pero bakit mas pinili pa nilang manirahan sa Neber-neber-land!

Wednesday, July 11, 2007

Mukha ni Ka Ando Talentino



Una niyang binitbit ang mga armas
sa loob ng Kolehiyo, Sa Sining at Pagsulat
itinago ang sulo at lagablab ng damdamin,
sa unang librong iniluto ng kasaysayan
inihain ang balangkas ng kamulatan

Itinanim niya ang sugnay ng retorika ng pelikula,
erotika ng pulitika, bituka ng pagkalula
sa namumunong unano parang nuno sa punso.

Sunod niyang iniumang ang sandata.
Sa unang kindat ng panulat,
tila kidlat niyang binayo ang mga retaso
ng estado, nirepaso ang progresibong espasyo
sa pagitan ng pagchichismis at mapagpalayang dayalogo.

Binaybay niya ang lipunan sa loob
ng binayubay na tatsulok, inundayan ng pagliligwak
ang lutang na paraiso, pinatay sa mga sanaysay
ang estrangherong muog ng kasalukuyan.

Sa kasalukuyan, inaani niya ang mga bunga
mula sa binhi ng ipinaglalaban.
Sinusuyod ang pandama, siyensya at demokrasya
sa dibdib ng tigang na lupa.

Bitbit ang liyab ng tunggalian at karanasan,
manaka-naka niyang sinisipat ang pag-asa
sa mapagpalayang mukha ng masa.

Findings



Findings


I was able to decipher what she said to me last night.
Ngunit biglang lumitaw ang dictionary sa harapan,
hinanap ang kanyang mukha sa mga salitang nakapaloob sa gitna ng B at C.
Hello kay
boredom, border, borderless, bore, bear, bear,
beer, catch
chase, chasing, cherish, cherry
cheat,
cheating, at
biglang
hindi ko napansin na lumitaw ang isang imaheng sumasayaw
sa kalangitan, naghahanap ng matutungtungan sa lupa. Ah,
she saw my face waiting for some ray of light, it probably turned her
on. Talaga,

nakakaturn on ang init ng araw sa balat.
Gaya noong una ko kaming naghalikan at sinabi kong ako ang prinsesa ng Brunei,
kaya kong pasabugin ang Iraq at Amerika ng sabay. Sabi ko nang punung-puno
ng libog-pagma
mahal,
Dito.
Dito tayo unang magtatagpo, sa espasyong inilaan ng hangin,
dito
sa kawalang ibinigay ng agham,
dito
sa parteng hindi lubos kita ang umaga dahil walang superhero at madyik
dito-
walang pakpak ang mga anghel at tanging bunganga lang ang mga demonyo.

Dito kita paliligayahin sa pagitan ng mga linya at hubog ng mga parisukat,
sa bawat kanto, hahanapin kita, hahanapin kita-
at ikukubli sa loob ng bilog, kikinisin ko ang bawat sandali at magtatago tayo sa tatsulok.

I will look for you right now. Itago ka man sa pitaka ng isang heswita.
O kulamin ng isang banyaga. Kukunin kita at isasama sa aking tahanan.
Kasama ng aking ilusyon at pangarap na iginuhit sa pader ng aking bahay,
sasama ka sa aking buhay,
bubuhayin kita at isasanla ko ang bawat ari-arian, hihilahin ko ang barko,
uunahan ang eroplano, maglalayag sa karagatan hangga't
maging mayaman bago pa man lumipas ang isang araw,
buti na lang,
buti na lang
hindi ka bato.

Tuesday, July 10, 2007

Walang Tugma

Nakatingin sa kalangitan ang kinakalawang kong mata
nang biglang lumapit sa akin ang sampung Cinderella,
Inalok ako ng stilletos na gawa ng Walt Disney
Sabay hanap ko sa nawawalang panty ni Snow White.
Nangatog ako nang maramdaman ang kalabit
ng humahabang ilong ni Pinocchio.
Nagtanong siya kung saan ang daan papuntang EDSA-
pinapunta ko siya ng Wonderland ngunit bumagsak
siya ng Neverland--kasabay ng mga uhuging Rugrats,
nagrakenrol ang sampung Moby Dick sa kanto
at Hindi ko maintindihan ang naging instik na si Dora
kung kaya't kinausap ko ang balasubas na direktor
nagdrowing siya ng isang puno at pinalipad sa aking ulo.
Inihagis ko ang lapis at dumungaw ang ipis sa nangingitim kong gilagid.
Nilinis ng Nanay ang madumi kong utak, kung kaya't ngayon
nagsisikanta ang mga artistang kartunista sa aking tenga.

Sunday, May 13, 2007

liham sa isang minahamahal

Mahal, nauulinigan ko ang huni ng ibon sa labas ng aking durungawan habang mataman kong pinag-iisipan ang kalagayan mo sa lungsod. Kumusta ka na kaya? Patawarin mo ako sa kakulangan ko sa paglalambing sa bawat oras na magkakausap tayo sa telepono. Marahil nadala na sa mas mataas na antas ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi ko na maikumpara sa bughaw na kalangitan ang tayog ng ating pag-iibigan, o sa mga bulaklak na nakapalibot sa aking kapaligiran ang kagandahan ng iyong mukha. Paano kita makakalimutan?

Lagi’t lagi mong tinatanong sa akin ang opinion ko sa distansyang naglalayo sa atin, ngunit hindi ito matumbasan ng aking salita, kung nalalaman mo lamang ang paghihirap ko sa bawat sandaling bumabalot ang kalungkutan sa aking pagkatao-- higit sa paghihirap ng masa ang nararamdaman ko sa ating pagkalayo. Pyudal at liberal man kung iisipin, nais kong makapiling ka sa bawat oras at sandaling nakikibaka ang aking damdamin sa dahas ng panahon.

Nais kitang makasama sa pag-unlad ng aking kamulatan sa piling ng kanayunan. Nais kitang dalhin sa aking kinalalagyan upang makita mo ang realidad ng buhay sa piling ng masa. Hindi bago sa iyo ang ganitong pagsi-sentimiyento. Sa ating kalagayan, higit pa ang mararanasan nating paghihirap upang maipakita sa mundo ang kaigihan ng ating relasyon. Babatangal ang pyudal nating sistema sa lahat ng ating adhika. Sa kabilang banda, hindi masamang mahalin ang materyalistikong babaeng katulad mo.

Ideyalista man akong naghahangad ng maganda at tila paraisong pamumuhay para sa atin. Hindi ko matalikuran ang tawag ng pakikibaka. Naghahari ang tunggalian sa aking dibdib. Parang itak na paulit-ulit bumabaon sa aking puso ang katotohanang hati ang aking mundo sa pagitan ng bulok na sistema at payak na pamumuhay.

Kumusta ka na kaya? Laging madilim ang kalangitan sa aking paningin. Natutuyo ang mga rosas sa bawat kalyeng aking madaanan. Marahil alam nila ang bigat ng pagkakagupo ko sa iyong alaala. Ngunit nananatili akong matatag sa kabila nito, makislap ang aking matang humaharap sa mga kasama, maluwag ang aking ngiti sa bawat tatay at nanay na pinupuntahan at pumaparito sa opisina.

Mahal, hindi kalungkutan ang nilalabanan ng aking damdamin sa ngayon kung hindi ang prosesong aking dinadaanan upang mamulat ang aking kaisipan. Hindi ko maitanggi sa sarili na naghihintay ka sa aking pagdating. Bawat tikatik ng orasan ang pag-usbong ng pag-ibig sa aking isipan. Hindi na lamang tayo ang maghihirap sa panahon na maisasaayos ang sala-salabit na agam-agam. Huwag mong pakalimutan, buo akong babalik sa iyong piling: hubad at matatag, malaya at maligaya.

Sulat sa Aking Mahal
Abril 29, 2007
11:23 am

Thursday, March 29, 2007

fin land in her eyes

she waits for the first drop of rain.
the whistle of the wind effects in vibration,
covers her book of post-nostalgic drama.
the rain has always been punctuating her remorse
with a lightning: she will never ever meet her ex-lover,
even halfway, again anytime soon.

she does a two-hour walkathon in a park
of diorama, inside her head
mockery has never been this sweet
as pride always beget prejudice.
she projects hating reality by painting a bite-size
bitterness on her wrists. like a little child,
she sits beside a tree trunk-
she remembers: her dead lover,
the number one irrational inventor
of sensational ruckus-with all the airy shit
and cobbled guts stamped on his face,
remains
to be a single trace of dustline on her palm

and she wish to erase the lengthy sentences
of love and suffering, that is his shadows
(now, she whispers the novena for the rain to pour
on her skin ).

Sunday, March 25, 2007

of malicious conspiracy theories and unimaginable telltale stories

Isang umaga, nakita ko si Maya na inuutusan ang mga damit niyang pumunta sa labahan. Isa-isang naglakad ang t-shirt, panty, shorts at bra tungo sa loob ng washing machine. Lalabhan nila ang isa't isa, sha-shampoohin ang kapwa damit para maging mabango ulit sa susunod na susuotin sila ni Maya. Inaantok pa si Maya nang makita ko ng araw na 'yon, nakakunot ang noong kinausap ako:
"O, bakit nakatingin ka dyan?"
"Wala lang. Masama? Anong problema mo?" ang sabi ko.
"Kinausap ko kasi kanina yung pader, nagsumbong ako, bwisit kasi yung boypren ko, ako pinagbabayad lagi ng pagkain namin pati pang-motel, ako na lang. Madalas pa akong kupitan, ang kapal ng mukha, minsan pumupunta dito sa bahay, nakikitae lang naman!"
"Anong sabi nung pader?"
"Eh di ayun, nagalit siya, muntik na nga akong batukan, buti hindi nahulog yung kisame sa ulo ko."
"Nakausap mo na ba yung lababo?"
"Oo, nakausap ko na rin nung nagmumog ako kaninag umaga. Halatang ayaw akong makita, nagbara tuloy."
"Subukan mong tawagan yung tubero, baka masolusyunan niya ang problema niyong magkasintahan."

Matapos ang usapan, sinabihan ko na lamang si Maya na matulog muna para makalimutan pansamantala ang problema. Isa-isa na ring lumabas sa washing machine ang mga damit niya at naglagi sa loob ng basket, ilang saglit pa, naglakad na sila palabas ng bahay at isinampay ang mga sarili nila sa ilalim ng kasikatan ng araw.
Tuwang-tuwa si Maya nang nakita niyang prenteng-prente na ang mga damit niya sa sampayan.

Bigla niyang naalala ang kakapalan ng boypren, inutusan niya ang mga plato na lumapit sa kanya, naglakad ang mga tinidor at kutsara't sinubuan siya, kinakantahan pa siya ng ulam at ng kanin kung saan nakapagpagaan ng kahit paano sa kanyang loob.
Kinahapunan, nagkita ulit kami ni Maya, nagsasalita ang cellphone niya ng lapitan ko:
"Hoi, andito ka na namang kupal ka. Hindi ka naman nagtetext. Hindi tuloy ako nagva-vibrate."
Bigla na ring nagsalita ang notebook niya, "Gago, nung kumopya ka sa akin, napunit yung isa kong dahon. Walang hiya."
Sumilip ang P50 mula sa kanyang pitaka, "Hayop, wag na wag mo akong kukunin dito kung hindi ipapalit ko ang mukha mo sa mukha ko."

Nagulat ako sa nangyayari, ngunit sa kabutihang palad, pinagtanggol ako ng aking ballpen, at isa-isa silang sinulatan at tinusok-tusok kung saan biglang napaiyak si Maya.

Nagulantang ako. Bumuhos ang luha ni Maya, kung saan nag-anyong tao ang mga ito, ngunit saktong kasing-laki lamang ng langgam, isa isa nila akong nilapitan at naglagi sa aking mga labi, maalat-alat pa ang mga ito. Bigla nila akong kinagat-kagat na nagdulot ng pagdugo ng aking labi.

Sumugod ang mga tsinelas ni Maya, tila mga sundalong sunud-sunuran at pinagsasampal ako sa mukha, natanggal ang relo ni Maya at lumipad, tumakip sa aking mga mata, may tropa ng kuliglig na galing sa headquarters ni Maya, at huli na nang matauhan ako,

ang lakas ng apog kong kausapin at sundan si Maya, ako pala ang boypren niya.

bwahahahhahaaha. wala lang. :)